Wednesday, February 2, 2011

HULING PAKETE

Mahal kita ngunit pinapatay mo ako
Yan ang huling linyang nasa isip ko
Habang hinihithit ang huling sigarilyo
Masarap kang kasama ngunit hindi ka maaaring magtagal sa puso ko.

Ang iyong usok, kinababaliwan ko
Nais langhapin sa araw-araw ng buhay ko
Tulad ng bisyo, ika'y lilimutin ko
Tulad ng pag-ibig, ika'y ibabaon na sa limot.

Paalam taon ng pagdurusa
Ang iyong upos, ayoko nang makita
Ang tuksong ibalik ang pagmamahal sayo'y ayoko nang balikan
Ang puso ko'y puno na ng butas
Ayoko nang mautas.

Ang iyong amoy sa aking mga daliri
Ngayong tao'y pipilitin nang alisin
Mahal kita ngunit ayoko nang patali
Sayo ako'y nababaliw ngunit ito'y mali.

Paalam huling pakete,
Paalam pag-ibig.




(written after my last cigarette, the last day of 2010.)

No comments:

Post a Comment