Maaga akong ginising ni Lola. Pinagluto nya ako ng almusal, pinaligo at binihisan. Matarik ang daan papunta sa paaralan, kaya akay-akay nya ako. Ang dalawa kong kamay, inilalapat ko sa lupa...Takot madulas sa matarik na daan.Pagdating sa silid-aralan, takot makisalamuha pero kalaunan, nagkaroon ng mga kaibigan.
First day ko sa paaralan ng mga blogger.
Maaga akong ginising ni Lola. Pinagluto nya ako ng almusal. Naligo ako at nagbihis. Malayo ang paaralan kaya't may service akong jeep na hihintayin sa kalsada. Di ako pwedeng ma-late dahil unang araw ko 'to. Madami na akong kakilala, mga kaeskwela ko sa elemntarya. Yung ibang ngayon ko lang nakita, sinungitan ko muna...hanggang naging malapit ako sa kanila bago lumipat sa Maynila.
First day ko sa paaralan ng mga blogger.
Maaga akong ginising ni Tita. Pinagluto niya ako ng almusal. Naligo ako at nagbihis.Malapit lang ang bagong paaralan kaya't nilakad ko lang. Hiyang-hiya ako sa pagpasok sa silid-aralan dahil isa akong estudyanteng galing sa probinsya. Alien ako dito! O alien sila? Nailang ako sa kanila at kalauna'y naging masaya. Ang daming kalokohan.
First day ko sa paaralan ng mga blogger.
Maaga akong ginising ni Papa. Pinagluto niya ako ng almusal. Naligo ako at nagbihis.Malayo ang paaralan kaya't sasakay ako ng bus para marating yun. Lahat bagong mukha. Galing sa Saint ganyan, University ganyan, at ganun, ganyan.Ay, nakakarindi. Pero narindi ako sa saya. Masaya pala. Probinsyanang dinaig pa ang Manilenya.
Lumilipad ako pero nakatapak ang mga paa sa lupa.
First day ko sa paaralan ng mga blogger.
At ito ang una kong blog.


welcome to blogspot! :)
ReplyDeletethanks kat! :p
ReplyDeleteWiiiih.
ReplyDeleteWelcome bhe! Unleash the writer in you. I still remember your IMAGI entry.. the one about DECEMBER 24 something... Haha
Enjoy!
pwahahahha! si kat din ganun sabi sakin nun. haha! thanks be!
ReplyDeletei like that december 24 poem.
ReplyDeleteWith your doobie, come with me. Play again, and again. Red light, turn it off. Next december 24. ;)
Kabisado?! haha.
pwahahahha! ang cool haha.
ReplyDeletehindi sa kabisado, maikli lang kasi yun e haha!