Sunday, May 2, 2010

Sunshine

" Ang araw na to ay parang birthday ko na, nanalo pa sa lotto, natanggap sa trabaho, nakabili ng bahay at kotse, at biglang sasabog... Sasabog sa sobrang saya."-May 2, 2010

Pagsama-samahin mo na lahat ng masasayang bagay na pwedeng ikasaya ng tao at AKO ang kalalabasan ng mga pangyayaring yun. Walang magarbong pangyayari pero kabog! As in kabog na kabog. Feeling ko sasabog yung buong katawan ko sa sobrang saya. Pero syempre, nakakapagkontrol pa din ako ng kasiyahan ko. Baka isipin kasi O.A. na'ko kaya pakonti-konti lang ang kilig physically. :)

 Bakit ko ba sinasabi to? Gusto ko kasing balik-balikan ang blog post na to habang masaya pa ako.

Nagjogging kami sa UP kanina lang. May 2, 2010. Kahit sobrang aga nun, nagawa kong bumangon ng walang nanggigising sakin! Hindi pa naman talaga ako morning person. Siguro magagawa mo talaga ang isang bagay kahit di ka sanay dito once na may pinaghuhugutan ka ng dahilan para gawin to. *naks* para akong bumabanat. :) Ayun, jog, lakad, jog, lakad ako kasama si bff. Tapos nagbadminton kami ni ano. <3

Nagwalkathon kaming dalawa. Kahit ang haba ng ikot namin, parang ang bilis-bilis para sakin! Di ko namalayan naka isang ikot na pala kami. Kinikilig ako dahil sa walkathon na yun! O dahil sa taong kasama ko nun? Basta. Kahit paganun-ganun lang, di ko mapaliwanag yung saya ko. Makakalas ata mga buto ko sa sobrang kilig.

 Ang pinakamasayang part pa dun e nagkaron kami ng pictures. Salamat sa bff kong gumawa talaga ng paraan! Mas masaya pa to kesa sa pagpapapicture sa artista. At yung experience? Dala-dala ko hanggang pagtulog, hanggang maalimpungatan ako at hanggang sa makatulog ulit. Ganun sya katindi. Ganun kalakas ang tama ko. 

Nagpipigil ako na kiligin kasi kahit pano naman ay may kahihiyan pako. Haha! Pero ang hirap pa din. Di ko mapigilang matawa at mangiti tuwing magfflash na yung camera. Yung ngiti ko hindi lang hanggang tenga e, hanggang likod pa! Tapos pag kinikilig ako yung  tipong sasabog na at di ko na talaga mapipigilan, lalayo ako saglit. Gusto ko syang i-release kaso nahihiya ako. Napaka-isip bata ko grabe. Hindi ako to e. HINDING HINDI AKO TO. Pero ang sarap sa pakiramdam.

Minsan lang ako lumayo sa kung ano talaga ako pero ang saya pala. Eto, di ako nagsasawang tignan ang pictures namin. Sana madami pang pictures ang magdaan na magkasama kami. Ittreasure ko yun lahat. *Pero bago yun matupad, sana tuloy2 na yung "kami". Kahit wala pa ngayon, naniniwala akong dadating din kami dun. Tyagaan lang.*

 

"You are my sunshine, my only sunshine. Lalalalalalalala Pls. don't take my sunshine away."

Na-LSS nako dyan kahit matagal ko nang di naririnig. Grabe. Grabe!

No comments:

Post a Comment