Monday, May 24, 2010

Bad Monday

Minsan blangko.
Minsan punung-puno ng kung ano-ano.
Madalas blangko.
Pero sa ngayon, punung-puno ng kung ano-ano.

May mga bagay talagang mahirap itulog.
Mabigat sa loob.
Mahirap ipikit.
Masakit iidlip.

Masarap magkwento.
Masarap magreklamo.
Pero dumadating ang pagkakataong
Mas masarap kung ititikom mo na lang ang bibig mo.

Ang pagtatapon ng nararamdaman, masarap ipakalat.
Pero karapatan mo pa ring itago paminsan-minsan.
Magaan kung nailabas mo ang tensyon.
Pero magaan din naman kung sasarilinin mo na lang ang shit na yun.

May mga bagay talagang mas magandang kimkimin mo na lang.

Ang bigat.
Ganito ba talaga pag mag-isa ka sa kwarto?
Pag wala kang makausap tungkol sa nangyari sa buong araw mo?


Blangko.
Madalas blangko.
Sanayan lang ito.

No comments:

Post a Comment