July 13, 2010
Grr. Walang kuryente.
Habang nagyoyosi, nakatitig lang ako sa kandila. At habang nakatitig ako sa kandila, naalala ko ang nakaraan.
Noong elementary pa lang ako, pala-aral talaga akong bata. Likas na sa'kin yun. NOON.
NOON, kahit walang kuryente, nagrereview pa rin ako. 7pm ang start ng review ko para sa mga exams. Madami yun! As in! Summative at periodical tests yun kaya ilang subjects din ang dapat reviewhin.
NOON, puyat na ako kapag 10pm na ako matutulog at bakit puyat? Dahil yun sa NAGREREVIEW ako. Walang ibang dahilan ang pagpupuyat kundi ang mga school-related works.
NOON, bago pumasok sa school e nagdadasal ako. TAKE NOTE: Nagdadasal ako ng NAKALUHOD. Ipinagdarasal kong sana maging maayos ang araw ko sa school...Sana maging okay si Mama at Papa sa pagtatrabaho, bigyan sila ng lakas sa kahit anong gagawin nila sa araw na yun...Sana maging okay si Jec at Kuya sa pagpasok sa eskwela. Ganoon palagi ang dasal ko. Walang humpay na pagdarasal at pagtutok sa pag-aaral.
NOON, kapag bigat na bigat ako dahil sa problema, nagsisimba akong mag-isa. Pinakikinggan kong maigi ang sinasabi ng pari at nakikipagusap sa Panginoon ng taimtim para gabayan nya ang mga mahal ko sa buhay at tulungan akong makatapos ng pag-aaral.
Lahat nang yun ay NOON. Iba na NGAYON.
NGAYON, hirap na akong magreview lalo na kung minor subjects lang. Nakakatamad, SOBRA. Gusto ko lamang pumasa sa exam. Prelim man yan o midterm o kahit finals pa.
NGAYON, bihira na akong magdasal. Minsan pa nga kahit problemado na talaga ako e 'di ko pa rin makuhang humingi ng tulong sa Kanya. Nakasentro ako sa aking sarili dahil alam kong kaya ko ang problema. Hindi na rin ako nagsisimba. Kung magsisimba man ako, tutulugan ko lang ang sermon ng pari dahil nakakaantok talaga.
NGAYON, hindi ako kuntentong nasa bahay lang. Dapat may internet, cable, cellphone at pera pang-gimmick at pang-gala. Bihira akong matulog ng maaga. Sobrang aga pa para sakin ang 10pm. Pinakamaaga kong tulog ang 12mn at pinakalate naman ang umaga. Oo, matutulog ako ng 6am dahil babad ako sa internet. Mas gugustuhin kong matulog ng late at magising ng late kaysa matulog na maaga at magising ng maaga.
Sobrang layo ko sa kung ano ako noon. ..Noong bata pa ako at hilaw pa ang pag-iisip sa mga bagay-bagay. May isang bagay lang na maganda noong bata ako...Mas matino ako noon. Ikaw na ang bahalang mag-isip kung ano ba ang depinisyon ng MATINO base sa NOON at NGAYON ko.
Sana maibalik ko kahit paano ang dating AKO. Kaya ko ba? O ayaw ko lang talaga?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment